Wednesday, November 11, 2009

Bias

Di ko na maintindihan kung anong nangyayari sa presidential race na to. Ang daming pambabatikos pero sila sila rin naman yung gumagawa ng ikakasira nila. Nandiyan pa yung hindi matapos na bangayan ng kampo ni Noynoy at Villar. Tapos si Escudero kumalas sa party niya. Si Gibo at Villar wala pang vice president. Ano bang plano nila? Parang si Villar palang yung talagang may pinapakitang plataporma tapos siya pa yung palaging binibira.

Tipikal na mga Pilipino. Maninira nang maninira hanggat hindi sumusuko sa kanila yung napagdisketahan nila. Tapos matatahimik lang pag umangat na sa ratings yung napipisil nilang kandidato.

Sige mapunta na tayo dun sa opinion ko. Bias. Ano nga bang ibig sabihin ng salitang yon? Wag kang magpanggap na hindi mo alam dahil isa ka sa milyun- milyong mamamayan sa buong mundo na alila ng salitang ito.

Media bias. Political bias. Yan ang mga virus na kumakain sa kaluluwa ng mga taong akala mo malinis at walang ginagawang masama pero sa totoo lang, wala lang silang mapatunayan sa sarili nila. Akala ko ba walang pinapanigan ang media? Paano ka magtitiwala sa mga ganitong tao na nabibili ang prinsipyo? Lalabas ka sa isang music video para ipangalandakan sa mga manonood na ito ang kandidato mo?

Sabi nila, masama daw na lumabas ang anak ni Villar sa Channel 5 pero bakit si Kris Aquino? Araw- araw mong nakikita ang pagmumukha sa TV pero hindi ka nagrereklamo?

Sabi nila, napakaraming TV ads ni Villar. Di nyo ba naisip na kailangan ding makipagsabayan ng tao sa mga kalaban niyang mas sikat kaysa sa kanya? Ewan ko kung sino ang makitid ang utak. Ang manonood o yung mismong mga pulitiko at mediamen na nagtatago sa pagitan ng kili- kili ng gusto nilang presidentiable.

Wala ka bang mapatunayan kaya magtatago ka sa anino ng mga magulang mo at mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhang mga artista? Ano ba talagang alam mo?

Friday, October 16, 2009

Ayus!

Buti nalang naisip ng Probe na mag-feature ng isang presidentiable per week sa mga susunod na episodes nila. Although medyo maaga pa para malaman kung anong mga plano nila, mabuti nang makilala din sila ngayon ng mga tao para mas makapag-isip yung mga tao ng iboboto nila.

Yung episode ni Manny Villar kagabi, okay naman siya kaso may ibang mga tanong siyang hindi sinagot mashado. First time kong makita yung family niya kagabi chaka malaman yung kwento ng buhay nya. Hanggang commercials lang niya kasi yung nakikita ko since hindi din naman ako palanood gaano ng tv. Nakakatuwa yung part nung episode na ininterview ni Cheche Lazaro yung brother ni Manny. Ang protective pala nya? Malamang mas lalong protective yun sa mga anak nya, lalo na dun sa daughter nya. Crush ko na nga yung anak nun e. Malay ko bang maganda pala chaka mukhang matalino. Siguro dapat manood na ako palagi ng tv. Kala ko Architecture o Engineering yung tinapos niya nung college kasi napakasuccessful niya pagdating sa mga housing project nya. Halatang wala talaga akong alam e noh. So ibig sabihin, ang mayaman talaga nung umpisa yung asawa nya? Hanep nga namang motivation para magsumikap si Manny. Kaya di ko talaga maisip kung bakit pinagpipilitan nilang baka bawian nya sa mga perang ginastos niya sa campaign ads yung funds ng Pilipinas kung sakaling manalo siya e ang yaman-yaman ng pamilya niya?! Bat pa niya gagawing magnakaw diba? Tong mga pulitikong to talaga, halatang walang magawang maganda kaya nanghahatak ng ibang tao pababa. Eto, eto yung isang dahilan kung bat nakakabadtrip ang pulitika. Puro gaguhan.

Honestly, wala kasi talaga akong interes sa pulitika. Kumbaga sobrang indifferent ko pagdating sa mga issue na ganyan. Para sakin kasi pare-pareho nalang yung nangyayari e. Eto kayang si Manny Villar, magawa niya kaya akong makumbinse na iboto ko siya sa 2010 election? Kasi seryoso, ayoko talaga kay Noynoy e. Well, abangan ko nalang din siguro yung iba pang episodes ng presidentiables sa mga susunod na linggo. Hahahaha. Naisip ko lang bigla. Siguro ang ihuhuling ifeature ng ABS-CBN, si Noynoy. Palibhasa biased mashado.

Tuesday, September 29, 2009

I dont want to sound political but...

You cant just shrug your shoulders on this one.

After volunteering in packing and distributing relief goods yesterday, I decided to read random articles on the net when I stumbled upon this page...

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=508127&publicationSubCategoryId=63

“He should not hit the government just to advance his personal political ambition because he is trying hard,” Plaza said, adding Roxas should start building his own platform of government and programs, instead of berating even the good programs of President Arroyo."

Hahaha. This is insane! Can you like, enlighten me on this one.. Is it just me or wala talagang paninindigan si Mar Roxas? Is this the kind of guy we'd vote for on 2010? One who couldn't even stand on his own two feet without the help of his sagging balls?

What is up with these people? Cant they even stand up for what they truly believe in? How can we possibly trust these kind of men who can't even trust themseleves??! I mean, where are the brains of these monkeys?

Argh. I couldn't care less but... Mar, now that he's partners with Noynoy and after all the drama he's shown on tv, mukhang may tsansang manalo tong gagong to e. Sana lang mag-isip tayo ng husto kung sinong balak nating iboto.

NAKAKAAWA TAYO LALO PAG NAGKATAON.

Tuesday, September 22, 2009

What are we thinking?

Noynoy decides to run for president under the shining banner of LP.
Or did someone else decide for him?

I dunno, man. I don't think it's such a great idea to spoil your parents' legacy just like that. Has the guy proven anything besides being an Aquino? I've nothing against his family but shouldn't they know better?

What, if your mom died and you happen to have a decent seat in the Senate, suddenly you're uber credible to be the country's future leader? Being the right man for the job does not happen overnight, yea? You gotta have the balls, wits, bills and papers to prove you're up for the illest job in the country.

Again, I have nothing against them. I am a huge fan of Ninoy and Cory but I just don't think having their son run for presidency's going to change the downhill course of our land.

Magiging puppet lang siya ng mga opisyal na nag-uudyok sa kanya na tumakbo. Or kung wala mang nag-uudyok at siya mismo ang nagdecide nyan para sa sarili nya, magagamit at magagamit parin siya ng mga taong nagsasabing baback-upan siya.

Kawawa naman ang Pilipinas. Kawawa lalo yung mga naninirahan dito. Ginagamit nalang nila ang emosyon ng tao e. Ang sakit isipin na di por que mahilig sa drama ang mga Pinoy e yan ang gagamitin nilang taktika para makahakot ng boto at simpatya para sa isang taong wala pa naman talagang napapatunayan.

Which makes me all the more cynical when it comes to politicians and their aspirations, battling for supremacy. It's like pushing your bestfriend's car off a cliff then extending your hand once he's about to fall just to get a massive dose of debt of gratitude.

Stupid, innit?