Friday, October 16, 2009

Ayus!

Buti nalang naisip ng Probe na mag-feature ng isang presidentiable per week sa mga susunod na episodes nila. Although medyo maaga pa para malaman kung anong mga plano nila, mabuti nang makilala din sila ngayon ng mga tao para mas makapag-isip yung mga tao ng iboboto nila.

Yung episode ni Manny Villar kagabi, okay naman siya kaso may ibang mga tanong siyang hindi sinagot mashado. First time kong makita yung family niya kagabi chaka malaman yung kwento ng buhay nya. Hanggang commercials lang niya kasi yung nakikita ko since hindi din naman ako palanood gaano ng tv. Nakakatuwa yung part nung episode na ininterview ni Cheche Lazaro yung brother ni Manny. Ang protective pala nya? Malamang mas lalong protective yun sa mga anak nya, lalo na dun sa daughter nya. Crush ko na nga yung anak nun e. Malay ko bang maganda pala chaka mukhang matalino. Siguro dapat manood na ako palagi ng tv. Kala ko Architecture o Engineering yung tinapos niya nung college kasi napakasuccessful niya pagdating sa mga housing project nya. Halatang wala talaga akong alam e noh. So ibig sabihin, ang mayaman talaga nung umpisa yung asawa nya? Hanep nga namang motivation para magsumikap si Manny. Kaya di ko talaga maisip kung bakit pinagpipilitan nilang baka bawian nya sa mga perang ginastos niya sa campaign ads yung funds ng Pilipinas kung sakaling manalo siya e ang yaman-yaman ng pamilya niya?! Bat pa niya gagawing magnakaw diba? Tong mga pulitikong to talaga, halatang walang magawang maganda kaya nanghahatak ng ibang tao pababa. Eto, eto yung isang dahilan kung bat nakakabadtrip ang pulitika. Puro gaguhan.

Honestly, wala kasi talaga akong interes sa pulitika. Kumbaga sobrang indifferent ko pagdating sa mga issue na ganyan. Para sakin kasi pare-pareho nalang yung nangyayari e. Eto kayang si Manny Villar, magawa niya kaya akong makumbinse na iboto ko siya sa 2010 election? Kasi seryoso, ayoko talaga kay Noynoy e. Well, abangan ko nalang din siguro yung iba pang episodes ng presidentiables sa mga susunod na linggo. Hahahaha. Naisip ko lang bigla. Siguro ang ihuhuling ifeature ng ABS-CBN, si Noynoy. Palibhasa biased mashado.