Wednesday, November 11, 2009

Bias

Di ko na maintindihan kung anong nangyayari sa presidential race na to. Ang daming pambabatikos pero sila sila rin naman yung gumagawa ng ikakasira nila. Nandiyan pa yung hindi matapos na bangayan ng kampo ni Noynoy at Villar. Tapos si Escudero kumalas sa party niya. Si Gibo at Villar wala pang vice president. Ano bang plano nila? Parang si Villar palang yung talagang may pinapakitang plataporma tapos siya pa yung palaging binibira.

Tipikal na mga Pilipino. Maninira nang maninira hanggat hindi sumusuko sa kanila yung napagdisketahan nila. Tapos matatahimik lang pag umangat na sa ratings yung napipisil nilang kandidato.

Sige mapunta na tayo dun sa opinion ko. Bias. Ano nga bang ibig sabihin ng salitang yon? Wag kang magpanggap na hindi mo alam dahil isa ka sa milyun- milyong mamamayan sa buong mundo na alila ng salitang ito.

Media bias. Political bias. Yan ang mga virus na kumakain sa kaluluwa ng mga taong akala mo malinis at walang ginagawang masama pero sa totoo lang, wala lang silang mapatunayan sa sarili nila. Akala ko ba walang pinapanigan ang media? Paano ka magtitiwala sa mga ganitong tao na nabibili ang prinsipyo? Lalabas ka sa isang music video para ipangalandakan sa mga manonood na ito ang kandidato mo?

Sabi nila, masama daw na lumabas ang anak ni Villar sa Channel 5 pero bakit si Kris Aquino? Araw- araw mong nakikita ang pagmumukha sa TV pero hindi ka nagrereklamo?

Sabi nila, napakaraming TV ads ni Villar. Di nyo ba naisip na kailangan ding makipagsabayan ng tao sa mga kalaban niyang mas sikat kaysa sa kanya? Ewan ko kung sino ang makitid ang utak. Ang manonood o yung mismong mga pulitiko at mediamen na nagtatago sa pagitan ng kili- kili ng gusto nilang presidentiable.

Wala ka bang mapatunayan kaya magtatago ka sa anino ng mga magulang mo at mga nag-gagandahan at nag-gagwapuhang mga artista? Ano ba talagang alam mo?